|
Post by Sky on Jan 13, 2006 2:05:10 GMT 7
Abante Jun Nardo January 05, 2006 www.abante.com.ph/issue/jan0506/showbiz_jn.htmNAKATAKDANG lumipad patungong Hollywood si Julia Clarete sa February upang tuparin na ang commitment sa kanya bilang grand winner sa reality show na Hollywood Dream. Two weeks lang munang mawawala ng bansa si Julia, ayon sa kanyang manager na si Henry (hindi namin naitanong ang apelyido niya, ‘no!) nang magkita kami sa Eat Bulaga studios. Ayon pa sa manager ng aktres, ang title ng movie niyang gagawin ay UN Murder pero hindi pa niya alam kung sinu-sino ang kasama niyang artist. Gusto lang niyang siguruhin na meron silang pipirmahang kontrata sa mga detalye ng activities ni Julia nang sa gayon ay alam niya ang mangyayari sa alaga. Tanging ang local counterpart ng Hollywood Dream dito ang makakasama ni Julia sa kanyang pag-alis. Mabuti na lang daw at nasa Amerika rin ang mother at brother nito, kaya kampante si Henry na merong mag-aasikaso sa kanya roon. Good luck, Julia!
|
|
|
Post by mizuomi on Jan 13, 2006 2:21:57 GMT 7
best wishes para sa kanya.
|
|