|
Post by keiko on Mar 16, 2006 3:00:55 GMT 7
This week sa "Laugh to Laugh" na napapanood sa QTV-11 ay may mangyayaring hindi inaasahan sa Lower Labasan, kung saan naninirahan ang mga bidang sina ST04 Tiny (Ryan Yllana), Kulot (Boy2 Quizon) Lotlot and Letlet (Jaboom Twins). Bigla silang yayanigin ng kaibigan ni Tiffany (Julia Clarete) na taga-Upper Looban na sina Hannah (Juliana Palermo), Andrew (Jake Cuenca) and Vaness (Wilma Doesnt) kaya abangan kung ano ang gagawin ng tatlo. Samantala, katatapos lang mag-taping ni Jennylyn Mercado sa nasabing comedy show at sa susunod na linggo naman ito ieere. Next week ay hindi na rin makikita si Jake at pinalitan naman siya ni Alfred Vargas and Andrew Wolff. Kung bakit, hindi na sinabi sa amin ng staff. Ang "Laugh to Laugh" ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8pm sa QTV-11.
Tuesday, March 14, 2006 7:17:37 PM
|
|