|
Post by keiko on Jul 12, 2006 9:36:20 GMT 7
Julia dismayado sa ‘Hollywood Dream’ HOT SHOTS by : Gerry Ocampo
HINDI ipinagkakaila ni Julia Clarete ang pagkadismaya sa nangyari sa Hollywood Dream, na hanggang ngayo’y wala pang nangyayari. Tinanong namin siya kung ano ang latest na balita rito’t sinabi niyang, “Kinausap nila ako’t sinabi na inaayos na ang papeles ko. Last year pa nga dapat ang schedule ng pagpunta ko ng Tate. “Hindi ko talaga alam kung ano’ng nangyari at bakit hanggang ngayo’y nakatengga pa rin ang lahat. “Aaminin kong dismayado ako, pero ayokong magsalita ng hindi maganda. Baka nga naman inaayos na nila. “Anyway may Eat Bulaga naman ako’t may sitcom pa sa QTV 11. May bago rin akong album, Bumalik Ka Lang, under Ivory Records. Sampu ang kanta roon at tatlo doo’y sarili kong composition. May revival ding kasama sa album,” patuloy pa ni Julia. Inamin din ng actress-TV host, na mas maluwag na ang dibdib niya matapos ipalabas ang life story sa Magpakailanman ng GMA-7. Nawala na ang mga pangamba’t takot. Nagkaroon ng direction ang buhay niya’y tuluyan nang nawala ang alaala ng masakit na karanasan sa kamay ng pinsan. Siyanga pala, ang kantang Bumalik Ka Lang ang carrier single ng bagong album ni Julia. Ito’y handog niya sa lalaking minahal, na namayapa na.
|
|