|
Post by keiko on Apr 8, 2006 9:17:42 GMT 7
HOT 'N SPICY Vinia Vivar People's Tonight
Nagtawanan na lang sina Vic Sotto at Julia Clarete sa column item na lumabas na nagli-live-in sila. Ani Julia, malabo at malayong mangyari 'yun dahil unang-una, walang malisya ang kanilang samahan sa trabaho. Pangalawa, may masugid daw siyang manliligaw ngayon, isang Chinese national na based sa States. Dumalaw daw recently dito sa Pilipinas ang suitor na nakilala niya sa Immigration nang magpunta ang tropa ng Eat Bulaga sa Japan kamakailan. Five days nag-stay sa bansa ang manliligaw niya at nag-dinner sila sa Shangri-La. Kung may ka-live-in nga naman siya'y hindi puwedeng mag-entertain ng suitors. Pangatlo, hindi raw siya sa condo unit nakatira tulad ng napabalita, kundi sa dating bahay pa rin niya sa Sikatuna Village. Kuwento Julia Clarete pa ni Julia, kinakantiyawan nga raw siya ni Bossing Vic kung magkano ang ibinayad sa nagsulat na nagli-live-in sila. Inamin naman niyang crush niya si Vic dahil every girl's crush daw talaga ang magaling na comedian-TV host. Pero hanggang du'n lang daw 'yun.
|
|
bikoyski
Regulars
and justice for all....
Posts: 92
|
Post by bikoyski on May 11, 2006 5:15:05 GMT 7
well marami talagang na link diyan kay Vic Sotto....
|
|
|
Post by Vanilla Vodka on May 22, 2006 8:59:48 GMT 7
Pangatlo, hindi raw siya sa condo unit nakatira tulad ng napabalita, kundi sa dating bahay pa rin niya sa Sikatuna Village. <-Correct! I should know, ahaha.
|
|