|
Post by keiko on Apr 11, 2006 22:51:23 GMT 7
Reaksyon ni Julia Clarete sa tsismis na nalasing at nagwala siya sa isang bar sa Kyusi!
"Sige nga ilabas nyo ang video na nalasing at nagwala ako!" Jun Nardo abante 04102006 HALOS pasigaw na nagpahayag si Julia Clarete ng saloobin sa tsimis na nalasing at nagwala siya sa isang bar sa Quezon City at diumano ay nakunan pa ng video sa cellfone, huh!
"Kumain lang ako at uminom ng beer, pero hindi totoo ‘yung nalasing ako at nagwala sa lugar na ‘yon. I know that it’s not the proper place for me to drink!
"Puntahan ‘yon ng mga celebrities and God, bakit ako magwawala roon, eh, di natsismis ako!" katuwiran ni Julia na nakatsikahan namin sa studio ng Eat Bulaga.
Sinegundahan din ng personal na assistant ni Julia na walang katotohanan ang tsismis na ‘yon sa alaga.
"Kung maglalasing siya, doon na sa isang lugar na tiwala siyang walang lalabas sa gagawin niya!"
Hinamon pa nga ni Julia na ilabas nila ang video bilang patunay na nalasing siya’t nagwala!
"Sige, ilabas nila para mapatunayan kung ako nga ‘yung nakunan nila!" sabi pa niya.
Hindi naman ipinagkaila ni Julia na umiinom siya ng beer. Tutal naman daw, hindi lang siya ang celebrity na natsitsismis na umiinom.
"Pero hanggang three beers na lang ako. Marami akong ginagawa. Hindi na ako tulad ng dati na sagaran kung uminom. I’ve changed for the better," wika pa rin ni Julia.
|
|
|
Post by Vanilla Vodka on Apr 13, 2006 15:54:57 GMT 7
I think ito yung kasama namin si Bullet. Ano ba yan. Ang dami-daming ibang celeb doon, ba't si Julia pa ang pinunterya nila? And it's true that she drinks, but she isn't irresponsible. Beer and spicy dilis, to be exact, ang pinagkakakain namin...and some red wine. Pero walang umuwing lasing sa aming tatlo. Hindi ako, hindi si Bullet at lalong hindi si Julia, na may Eat Bulaga the next day!
|
|
|
Post by Sky on Apr 17, 2006 16:19:59 GMT 7
I think ito yung kasama namin si Bullet. Ano ba yan. Ang dami-daming ibang celeb doon, ba't si Julia pa ang pinunterya nila? And it's true that she drinks, but she isn't irresponsible. Beer and spicy dilis, to be exact, ang pinagkakakain namin...and some red wine. Pero walang umuwing lasing sa aming tatlo. Hindi ako, hindi si Bullet at lalong hindi si Julia, na may Eat Bulaga the next day! siguro mas maganda kasi yung career ni julia ngayon compared sa ibang celebs na nandon, kaya yung iba exagerated kwento sa kanya or wala lang talaga magawa na matino. siguro sarap kasama ni julia gimik no? mukhang enjoy talaga
|
|
|
Post by keiko on Apr 17, 2006 20:40:24 GMT 7
ganun tlga pag sikat na, pilit nilang hihilahin pababa..well hindi ako naniniwala na ginawa nya un..=)
|
|
|
Post by Vanilla Vodka on Apr 18, 2006 9:24:16 GMT 7
I think ito yung kasama namin si Bullet. Ano ba yan. Ang dami-daming ibang celeb doon, ba't si Julia pa ang pinunterya nila? And it's true that she drinks, but she isn't irresponsible. Beer and spicy dilis, to be exact, ang pinagkakakain namin...and some red wine. Pero walang umuwing lasing sa aming tatlo. Hindi ako, hindi si Bullet at lalong hindi si Julia, na may Eat Bulaga the next day! siguro mas maganda kasi yung career ni julia ngayon compared sa ibang celebs na nandon, kaya yung iba exagerated kwento sa kanya or wala lang talaga magawa na matino. siguro sarap kasama ni julia gimik no? mukhang enjoy talaga Hindi naman...there were a few BIG names there as well.. Haha sobra. Ang sweet kasi nung girlaloo na yun. :-D
|
|
|
Post by Vanilla Vodka on Apr 18, 2006 9:25:41 GMT 7
ganun tlga pag sikat na, pilit nilang hihilahin pababa..well hindi ako naniniwala na ginawa nya un..=) thanks.
|
|